“We’re good.”
Ito ang tugon ni House Speaker Martin Romualdez nang matanong media kung kumusta sila ni Vice-President Sara Duterte.
Matatandaan na bago ang departure speech ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. pa-Malaysia, ay magkasabay na naglakad si Romualdez at VP Sara habang naka abre siete.
“Picture is worth a thousand words. Siguro nakita mo na yung picture. We’re good…we’re good,” sabi ni Romualdez.
Umugong ang isyu na naging matabang ang relasyon ng dalawa kasunod ng pag-kalas ni Duterte sa LAKAS-CMD kung saan siya ang chairperspn habang si Romualdez naman ang Pangulo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes