Pangulong Marcos Jr., naglabas ng memorandum order para sa deputization ng AFP at PNP sa COMELEC kaugnay ng nalalapit na Bgy. at SK elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilabas ng Palasyo ang Memorandum Order no. 15 na nag-aatas sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) gayundin sa iba pang law enforcement agencies para ma- deputized sa Commission on Elections (COMELEC).

Kaugnay ito ng nakatakdang Baranggay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa darating na Oktubre.

Kasunod ng inilabas na memorandum order ay inaatasan kapwa ang PNP at AFP na agad na makipag-ugnayan sa Commission on Elections (COMELEC).

Ang hakbang ay ginawa upang masiguro ang isang mapayapa, maayos, at credible elections na nakatakda sa darating na Oktubre 30.

Ang Memorandum Order 15 ay may lagda ni Executive Secretary Lucas Bersamin, at napag-alamang nilagdaan noon pang ika-17 nitong Hulyo. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us