Publiko, binalaan ng isang senador vs. registered SIM for sale

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan at binalaan ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang publiko tungkol sa bentahan ng mga rehistradong SIM (subscriber identity module) ngayong tapos na ang deadline ng pagpaparehistro ng mga SIM.

Dahil sisimulan nang i-deactivate ang mga hindi rehistradong SIM, ibinahagi ni Revilla ang bagong modus ng mga online scammer na bumili ng mga rehistradong SIM.

Aniya, sa halagang P500 ay makakabili na ng rehistradong SIM at ang mga bumibili nito ay ang mga hindi marunong magparehistro, at ang iba naman ay mga sindikato na ginagamit ang rehistradong SIM sa panloloko.

Paalala ng senador sa publiko, hindi dapat ipagbili ang inyong registered SIM dahil kapag ginamit ito sa krimen ay ang pangalan ng orihinal na nagparehistro ng SIM ang mapapanagot sa batas.

Binigyang diin naman ng mambabatas, na maging ang mga nagbebenta ng mga rehsitradong SIM ay tiyak ring makakasuhan.

Batay sa nakasaad sa SIM Registration Law, ang sinumang magbebenta o magsasalin ng registered SIM na hindi dumaan sa required registration ay mapapatawan ng parusang pagkakakulong mula anim na buwan hanggang anim na taon o multang P100,000 hanggang P300,000 o parehong ipapataw. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us