Sen. Imee Marcos: Depinisyon ng mga maituturing na employed sa bansa, dapat ayusin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Senador Imee Marcos na tama naman ang datos na ibinigay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang state of the nation address (SONA) nitong Lunes, na 95.7 percent na ang employment rate sa Pilipinas.

Gayunpaman, ayon kay Senador Imee, kwestiyunable para sa kanya ang depinisyon ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa employment.

Batay kasi aniya sa pakahulugan ng PSA ng mga taong employed, kasama sa sektor na ito ang mga wage at salary worker gayundin ang mga self-employed na walang katiyakang may buwanang kita.

Ibinahagi rin ng senador, na kasama rin sa itinuturing ng PSA na maituturing na employed ang mga unpaid family worker gaya ng mga nanay na nagtatrabaho sa loob ng bahay at wala namang sweldo, at ang mga may-ari ng sariling negosyo.

Nasa depinisyon rin aniya ng employed ang mga indibidwal na nagtatrabaho ng kahit isang oras lang sa isang buwan o isang araw sa loob ng tatlong buwan.

Dahil dito, sinabi ni Marcos na dapat ayusin ang depinisyon ng mga employed sa bansa para masalamin ang totoong estado ng sektor. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us