Ipo Dam, nagpapakawala pa rin ng tubig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy sa pagbabawas ng tubig ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan dahil sa mga pag-ulang dulot ng Habagat.

Sa datos ng PAGASA Hydrometreology Division, as of 6am ay umabot sa 101.31 ang water level sa Ipo Dam na lagpas pa rin sa spilling level ng dam na nasa 101 meters.

Sinimulan pa kahapon ng alas-11 ng umaga ang pagpapakawala ng tubig sa dam.

Sa ngayon ay .20 meters ang bukas na gate ng Ipo Dam.

Bukod dito, patuloy rin sa pagpapakawala ng tubig ang Ambuklao at Binga Dam.

Samantala, higit sa limang metro naman ang nadagdag sa lebel ng tubig sa Angat Dam na ngayon ay nasa 188.20 meters mula sa 182.98 meters kahapon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us