Bilang ng namatay sa lumubog na bangka sa Talim Island, Binangonan, Rizal, umabot na sa 26 — PCG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 26 ang kumpirmadong nasawi matapos lumubog ang pampasaherong bangka sa Talim Island, Barangay Kalinawan, Binangonan, Rizal kahapon.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) isa sa nakikitang dahilan ng paglubog ay ang overloading ng motor bangka.

Nagsiksikan umano ang mga pasahero sa kaliwang bahagi ng bangka noong humampas ang malakas na hangin dahilan para masira ang katig, mawalan ng balanse, at tumaob ang bangka.

Paliwag naman ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, pinayagan na pumalaot ang bangka dahil wala ng bagyo at hindi naman kalakasan ang alon.

Patuloy pa rin ang retrieval operations ng PCG ngunit hindi pa matiyak kung ilan pa ang hinahanap sa paglubog ng naturang bangka. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us