Nagsagawa ang tangapan ng Office of the Vice President (OVP) ng relief operations sa bayan ng Pigcawayan, North Cotaabato.
Nasa halos 169 ang bilang ng mga pamilyang nabigyan ng relief boxes matapos magkaroon ng malawakang pagbaha buhat ng southwest monsoon sa apat na barangay sa naturang bayan. Ito ang Barangay Bulucaon, Buluan, Poblacion 1, at Poblacion 2.
Laman ng nasabing relief boxes ay sleeping mat, blanket, mosquito net, slippers, hygiene kit, at collapsible water container.
Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan ng Pickawayan at ang Provincial Government ng North Cotabato sa hatid na tulong ng OVP sa kanilang bayan. | ulat ni AJ Ignacio