CAAP, iniimbestigahan na ang dahilan ng emergency landing ng isang R-44 helicopter sa Bukidnon kahapon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniimbestigahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippine (CAAP) ang nangyaring emergency landing ng isang R-44 Helicopter sa Sitio Babahagon, Lantapan, Bukidnon kahapon.

Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio na inatasan na ng CAAP ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board sa pangunguna ni Mr. Reineer Baculinao para mag-imbestiga sa nasabing insidente.

Batay sa inisyal na impormasyon na hindi umano nagbigay ng flight plan mula sa Laguindingan Air Traffic Control Center kung saan bandang alas-9:45 ng umaga.

Ang naturang aircraft ay pagmamay-ari ng Philippine Adventist Medical Aviation Services bagay na may naulat nang insidente ng naturang Aviation Company sa mga nakalipas na buwan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us