DSWD, nagpadala ng karagdagang tulong sa mga apektado ng bagyong Egay sa Cagayan Valley Region

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa pagpapatuloy ng disaster response operations sa mga apektado ng Habagat at Bagyong Egay ay namahagi pa ng karagdagang family food packs (FFPs) at relief items ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba’t ibang munisipalidad na apektado ng kalamidad sa Region 2.

Ayon sa DSWD, karagdagang 400 FFPs at non-food items (NFIs) ang ipinamahagi nito sa bayan ng Claveria; 500 sa Sta. Praxedes; 300 sa Sanchez Mira; 300 sa Alcala; at 500 goods sa bayan ng Lallo.

Bukod dito, mayroon ding 600 FFPs at 1,000 bottled water ang naipadala sa Aparri at 500 FFPs sa mga bayan ng Sta. Ana at Gonzaga, Cagayan.

Nagsimula na rin ang DSWD na mamahagi ng tig-₱10,000 financial aid sa mga typhoon victims sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Sa kasalukuyan, aabot na sa ₱6.65-million ang halaga ng ayuda ang naipamahagi na ng DSWD FO-2 sa higit 9,160 pamilya sa Region 2. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us