Transmission facilities ng NGCP na nagkaaberya dahil sa bagyong Egay, nakumpuni na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik na sa normal na operasyon ang transmission facilities ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Egay.

Ayon sa NGCP, ganap nang na-energize ang San Esteban-Bangued 69kV line na nagsusuplay ng kuryente sa buong probinsya ng Abra kaninang alas-6 ng umaga.

Bukod sa Abra, maayos na muli ang serbisyo ng kuryente sa mga lalawigan ng Benguet, Aurora, Nueva Ecija, Cagayan, Ilocos Sur, at La Union.

Ipinaliwanag naman ng NGCP na ang natitirang unavailable line na Bantay-Banaoang 69kV line ay direktang nakadugtong sa isang industrial customer.

Kasunod nito, tiniyak ng NGCP na tuloy-tuloy ang kanilang monitoring sa lagay ng panahon at handang i-activate ang Overall Command Center sakaling may panibagong banta sa transmission facilities. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us