Malaysian businessmen, nagpahayag ng interes sa Maharlika Investment Fund

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaysian businessmen, nagpahayag ng interes sa Maharlika Investment Fund

Nakakuha ng suporta ang Philippine delegation mula sa malaysian businessmen, nang ibida ang bubuksan Maharlika Investment Fund (MIF) ng bansa.

Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., hindi na nakakagulat ang pahayag na interes ng mga ito, lalo’t negosyo ang pinag-uusapan sa dito.

“Yes, lahat. Lahat naman nag-express ng interest because negosyo ‘yan,” —Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, kahit nakaranas ng scandal ang 1Malaysia Development Berdad, hindi naman ito nangangahulugan na mangyayari na rin ito sa Pilipinas.

“Hindi mag-i-invest ‘yan kung nakita nila, ‘Naku! Pareho ito doon sa naging problema dito’…So, as long as you can assure them that what their poor experience was here, the terrible things that happened here, hindi mangyayari sa fund natin.” —Pangulong Marcos.

Bagkus, ang karanasan aniya ng Malaysia ay magsisilbi pang tanda, at mag-reresulta lamang sa pagiging mas maingat ng mga negosyante.

Sabi ng Pangulo, kailangan lamang bigyang diin na propesyunal ang mga magpapatakbo sa MIF, at hindi ito mahahaluan ng anumang pulitika.

“I am consistently saying it is going to be run professionally and without undue political influence. And of course, the government has an interest in the fund so we have a representative on the board. But on the day-to-day decisions as to what investments are to be made, it is left to those financial managers that we will be putting into place.” —Pangulong Marcos.

| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us