Puspusan ang ginagawang clearing operations ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa mga kalsadang apektado ng pananalasa ng bagyong Egay.
Batay sa 12nn update ng DPWH, aabot na sa 25 mga kalsada ang kanilang nabuksan na sa daloy ng trapiko.
14 sa mga ito ay mula sa Cordillera Administrative Region, 6 sa Ilocos Region, 2 sa Cagayan Valley Region at tig-1 naman sa Central Luzon, CALABARZON at Western Visayas.
Gayunman, ipinabatid ng DPWH na nananatili pa sa 21 road sections sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang nananatili pa ring hindi madaanan dahil sa pagguho ng lupa, sirang tulay, at pagbaha.
Sa Cordillera Administrative Region, 2 rito ay mula sa Abra, 3 sa Apayao, 2 sa Benguet, 1 sa Ifugao, 1 sa Kalinga at 3 sa Mt. Province.
Nagpapatuloy din ang clearing operations sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pangasinan sa Region 1 gayundin sa lalawigan ng Cagayan. | ulat ni Jaymark Dagala