Muntinlupa LGU, tumanggap ng pagkilala mula sa National Nutrition Council – NCR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatanggap ng Green Banner Seal of Compliance Award ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa mula sa National Nutrition Council – NCR dahil sa mga nutrition programs na ipinapatupad ng lungsod.

Ang nasabing pagkilala ang siyang pinakamataas na ibinibigay sa isang LGU para sa mga sustainable intervention programs upang labanan ang malnutrisyon lalo na sa mga bata.

Sa isang Facebook post, nagpasalamat si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon sa lahat ng mga nagtulong-tulong upang makuha ang nasabing pagkilala.

Maliban sa Muntinlupa ay nakatanggap rin ng nasabing pagkilala ang mga lungsod ng Paranaque at lungsod ng San Juan. | ulat ni Gab Humilde

Photo Courtesy: Muntinlupa PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us