Suportado ng Bureau of Customs (BOC) ang pagpapatupad ng Executive Order 18 na nag-aatas sa pagtatatag Green Lanes para sa pagtataguyod ng istratehikong pamumuhunan.
Pahayag ito ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio nang dumalo ito sa launching at covenant signing ng EO sa Pasay City kamakailan.
Dahil dito, sinabi ni Rubio na sa pamamagitan nito ay mapabibilis na nila ang pagpoproseso at pagtitiyak ng kalakalan.
Maliban sa BOC, nagpaabot din ng kanilang suporta ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, regional at provincial offices, mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs), at mga lokal na pamahalaan.
Magugunitang ikinakampanya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang streamlining at pagpapabilis ng mga proseso sa pamumuhunan, alisin ang red tape, at itaguyod ang business-friendly environment. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: BOC