Party-list solon, hinimok ang pribadong sektor na makibahagi sa pagbuhay ng Bicol Express

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Bicol Saro party-list Rep. Brian Yamsuan sa mga pribadong kompanya sa bansa na tumulong at pondohan ang planong pagbuhay sa ‘Bicol Express’ o PNR South Long Haul Project.

Matatandaan na sa nakaraang SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay itinulak nito ang pagpapalakas sa kolaborasyon ng gobyerno at pribadong sektor upang mapabilis ang pag-unlad ng bansa.

Ayon pa kay Yamsuan ang modernisasyon ng Bicol Express ay magdadala ng pag-unlad sa Bicol Region.

Oras na maisakatuparan, mula sa 14 hanggang 18 oras na biyahe mula Maynila pa-Bicol ay aabutin na lamang ito ng apat hanggang anim na oras.

“The Department of Transportation (DOTr) said that it is currently looking for private investors for some of its rail projects, including the South Long Haul Project that will run all the way to Bicol. This project has long  been proven viable for private investors  considering that some of our corporate giants have long expressed interest in reviving the long-idle Bicol Express. Reviving and modernizing the Bicol Express will put on the express lane Bicolandia’s  economic development . Dapat magtulong ang gobyerno at ang pribadong sektor para mai-Bicol Express na ang pag-unlad ng Bicol,” sabi ni Yamsuan.

Makailang ulit nang naantala ang pagpopondo sa programa.

2015, nagpahayag ng interes ang mga kompanyang San Miguel Corp., Ayala Corp. at Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) sa proyekto ngunit dahil patapos na ang administrasyong Aquino ay hindi na itinuloy.

itinulak din ng administrasyong Duterte ang proyekto sa ilalim ng ng joint venture kasama ang China Railway Group Ltd., China Railway No. 3 Engineering Group Co. Ltd. at China Railway Engineering Consulting Group Co. Ltd.

Subalit hindi umano ito napondohan kaya binawi ng gobyerno sa pagtatapos ng Duterte administration. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us