Higit 900 evacuees sa San Mateo, nananatili pa sa mga evacuation center

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hanggang kagabi, maraming pamilya pa rin na apektado ni bagyong Egay ang nanatili  sa mga evacuation center  sa  bayan ng San Mateo.

Ayon sa San Mateo LGU, karamihan sa kanila ay naninirahan sa low-lying areas kaya’t hindi pa makabalik sa kanilang mga tahanan.

Hanggang alas-8:00 kagabi, higit pa sa 900 evacuees ang nananatili sa Maly Elementary School, Guinayang National High School, San Mateo Elementary School, at sa Sta. Ana Covered Court.

Binisita na sila ni Rizal Governor Nina Ynares at iba pang local officials at namahagi ng relief goods. 

Katuwang din dito ang mga kawani ng DSWD Field Office IV-A, at nagpaabot ng mga food packs. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us