Hindi pa aalisin ng Philippime Coast Guard (PCG) ang kanilang rescue team sa lugar na pinagtaoban ng bangka sa Binangonan, Rizal nitong nakalipas na araw.
Sinabi ni PCG Rear Admiral Armand Balilo na hindi nila isinasantabi ang posibilidad na may makita pa silang tao sa ilalim ng tubig.
Bagama’t wala nang pamilya ang naghahanap pa ng kanilang nawawalang kaanak, mananatili pa sila sa lugar.
Maging ang kapitan ng bangkang tumaob ay hindi matiyak kung ilan talaga ang sakay nito bago maganap ang trahedya.
Base sa talaan ng kapitan ng bangka, nasa 22 pasahero lang ang nakatala sa manifesto nito.
Hanggang ngayon, nananatili sa 27 sakay ng bangka ang namatay at 40 ang nakaligtas para sa kabuuang 67 na bilang.
Kahapon, tinapos na ng PCG ang underwater search and rescue/retrieval operation sa lawa at ngayong araw itutuloy naman ang surface search and rescue /retrieval operation. | ulat ni Rey Ferrer