PBBM, namahagi ng tulong sa mga taga-Abra na isa sa mga matinding hinagupit ng bagyong #EgayPH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasabay ng pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhang residente sa lalawigan ng Abra, tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maibabalik sa lalong madaling panahon ang lahat ng mga serbisyo na kinakailangan.

Sinabi ng Pangulo na mula sa water supply at suplay ng kuryente ay ikakasa din ng pamahalaan ang rehabilitation at rebuilding kasunod ng pinsalang idinulot ng nagdaang bagyo.

Inihayag ng Pangulo na sa dami ng mga posteng nagsibagsakan ay hihingi ang pamahalaan ng tulong sa ibang mga lalawigan na magpadala ng linemen.

Dagdag ng Chief Executive na pati na ang mga nawalan ng bahay ay hahanapan ng gobyerno ng kaukulang tulong habang ang mga nasa evacuation centers ay titiyakin nilang patuloy na maaalagaan.

Maganda naman ang koordinasyon sa pagitan ng national at lokal na pamahalan kaya tiwala aniya sya sabi ng Pangulo na sa mabilis na maibabalik ang mga serbisyong kailangan ng mga naapektuhan mating kababayan. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us