Kauna-unahang Pilipinang Cabinet Minister, itinalaga sa Canada

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinagalak ng Embahada ng Pilipinas sa Canada ang pagkakatalaga kay Member of the Parliament Rechie Valdez bilang Minister of Small Business.

Ayon kay Philippine Ambassador to Canada Maria Andrelita Austria, ang pagkakatalaga kay Valdez ay ipinapakita lamang muli ang makabuluhang kontribusyon ng mga Filipino-Canadian.

Umaasa ang embahador na marami pang mga Filipino-Canadians ang mabibigyan niya ng inspirasyon na makapaglingkod sa kanilang mga komunidad sa pamamagitan ng paglilingkod sa pamahalaan.

Inaasahan rin ng Embahada ng Pilipinas na makipagtulungan kay Minister Valdez sa mga isyu na mahalaga sa Filipino-Canadian community.

Batay sa pinakahuling census ng Canada noong 2021, aabot sa 957,335 ang may dugong Pilipino sa Canada. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us