Nananatiling sarado sa mga motorista ang labing siyam(19) na national roads sa Northern at Central Luzon dahil sa pananalasa ni bagyong Egay.
Sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), hindi madadaanan ang mga kalsada dahil natabunan ng guho ng lupa, pagbaha at nabuwal na mga puno.
Sa kabuuang bilang ng mga saradong kalsada, sampu (10) dito ay sa Cordillera Administrative Region, lima (5) sa Region 1 at apat (4) sa Region 3.
Apat ding (4) road sections ang may limited access, isa (1) sa CAR at tatlo (3) sa Region III. Ito’y dahil din sa gumuhong lupa at mga pagbaha.
Samantala ang iba namang national roads at mga tulay sa ibang apektadong rehiyon ay passable sa lahat ng uri ng sasakyan. | ulat ni Rey Ferrer