Umabot sa mahigit P2.84 bilyon ang nasira sa imprastraktura sa Ilocos Norte matapos ang hagupit ng bagyong Egay.
Sa inisyal na report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), umabot sa P300,000 ang nasira sa Laoag International Airport, mahigit isang bilyon ang nasira sa kalsada, tulay at flood control projects kasama na ang mga ginagawang proyekto sa una at pangalawang distrito.
Umabot din sa halos P71.5 milyon ang nasira sa provincial road at provincial bridges, mahigit P28 milyon sa provincial buildings at mahigit P1.7 bilyon sa dalawang lungsod at mga munisipyo sa lalawigan.
Sinabi naman ni Gov. Matthew Marcos Manotoc na nadadaanan na lahat ang mga kalsada pati na ang papunta sa bayan ng Adams.
Nananatili namang foot traffic at motorsiklo ang makakadaan sa approach ng Tamdagan Bridge sa bayan ng Vintar, ayon sa PDRRMC. | ulat ni Ranie Dorilag | RP1 Laoag