P2-M relief packs, ipinadala ng Speaker’s Office sa 2nd District ng Ilocos Sur; Kabuuang ayudang naipamahagi, nas P287-M na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Office of the House Speaker sa mga kapwa mambabatas at local government units na pinadapa ng bagyong #EgayPH upang makapaghatid ng tulong.

Sa pakikipagtulungan sa tanggapan ni Ilocos Sur 2nd district Rep. Kristine Singson-Meehan ay nakapaghatid na ng P2 million na halaga ng relief goods sa may 400 pamilya mula sa bayan ng Burgos, San Esteban at Banayoyo.

Una naman nang nakapaghatid ng ayuda sa 1st at 2nd district ng Cagayan.

Nasa 500 relief packs ang ipinadala para sa 500 pamilya sa Gattaran sa Cagayan, kung saan kabilang sa natulungan ang nasa 50 indigenous families.

May 1,300 relief packs din ang inilaan para sa mga taga Brgy. Quibal sa Penablanca.

Kasalukuyan naman nagre-repack ng relief goods sa probinsya ng Ilocos Norte na ipapamahagi sa una at ikalawang distrito ng probinsya sa tulong nina Rep. Sandro Marcos at Rep. Angelo Barba.

Hanggang ngayong araw umabot na sa P287 million ang kabuuang tulong na naipaabot ng Speaker’s office sa mga apektado ng bagyo.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us