Medical supplies at equipment, pina-e-exempt sa Procurement Law

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ni Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos na ma-exempt sa Procurement Law ang pagbili ng mga life-saving medical supply at equipment.

Punto ng kinatawan sa paghahain ng House Bill 8531, makatutulong ang naturang exemption upang mapabilis ang proseso ng pagbili ng mga medical supplies.

Nakakabalam kasi aniya sa pagbili ng hospital supplies ang mahabang panahon ng pagproseso ng mga dokumento at dami ng requirements mula sa supplier para makabili ng kinakailangang kagamitan.

Nauuwi rin aniya ito sa matagal na pagbabayad sa mga supplier.

Sa ilalim ng panukala, aamyendahan ang Section 4 ng batas upang tuwirang ihayag ang exemption sa Procurement Law ng pagbili ng life-saving medical equipment at supplies gaya ng oxygen, gamot, test kits, surgical at laboratory equipment, at iba pa na tutukuyin ng Department of Health (DOH). | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us