Mayroon nang inisyal na naitala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 424,988 pamilya o higit 1.6 milyong indibidwal na apektado ng pagbayo ng habagat na pinalakas pa ng bagyong Falcon.
Ayon sa DSWD, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Region 3, Calabarzon, at Region 6.
Aabot na rin sa 12,505 pamilya o katumbas ng 46,251 na indibidwal ang inilikas sa 500 evacuation center habang nasa higit 64,000 pamilya rin ang nakikitira muna sa kanilang kaanak.
Kaugnay nito, nakapagtala na rin ang DSWD ng 24 kabahayan na labis na nasira sa kalamidad habang 300 ang partially damaged.
Tuloy-tuloy naman ang relief efforts ng kagawaran sa lalawigan na nakapaghatid na ng higit ₱41.7-milyong halaga ng assistance sa mga apektadong LGU.
Una nang iniutos ni DSWD Chief Secretary Rex Gatchalian ang agarang pagpapadala ng family food packs (FFPs) sa mga rehiyong apektado ng habagat. | ulat ni Merry Ann Bastasa