Naghain si Senador Sherwin Gatchalian ng isang panukalang batas para agad na maresolba ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kaso ng disqualification, kabilang na ang mga kasong kinasasangkutan ng mga nuisance candidate.
Sa ilalim ng Senate Bill 1061, layong amyendahan ang ilang probisyon ng Omnibus Election Code.
Ito ay para maituring na nuisance candidate ang mga nais lang na makakuha ng pera o ano mang kita o kaparehong konsiderasyon sa paghahain ng certificate of candidacy (CoC).
Binigay halimbawa ni Gatchalian ang kaso ng pinaslang na si Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Matatandaang inihayag ng Comelec noong Oktubre na si Degamo ang nanalo bilang governor ng Negros Oriental matapos ilipat sa kanya ng poll body ang mga boto na nakuha ng kandidatong โRuel G. Degamo,โ na idineklara bilang nuisance candidate apat na buwan pagkatapos ng halalan.
Desisyong pinagtibay na rin ng Korte Suprema.
Sinabi ng senador, na layon ng panukalang isinusulong niya na pigilan ang umuusbong na hindi etikal na electoral practice ng ilang indibidwal na kumikita mula sa halalan.
Aniya, dapat matigil na ang ganitong gawain, at ang pagtukoy at pagpaparusa sa mga gawaing ito ay tamang hakbang upang protektahan ang ating demokrasya.
Giit ni Gatchalian, kung maagap na mareresolba ang mga kaso ng disqualification at nuisance candidates ay maiiwasan ang ibaโt ibang uri ng tensyon sa pulitika, at maaari nitong hadlangan ang alitan sa pagitan ng mga pulitiko. | ulat ni Nimfa Asuncion