3 dam sa Luzon, nagpapakawala pa rin ng tubig — PAGASA Hydromet

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang tatlong dam sa Luzon dahil sa mga pag-ulang dala ng habagat.

Kasama rito ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan at ang Ambuklao at Binga Dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrometreology Division, as of 6am ay umabot sa 101.09 meters ang antas ng tubig sa Ipo Dam na lagpas pa rin sa spilling level ng dam na nasa 101 meters.

Dahil dito, nakabukas ngayon ng .15 meters ang isang gate ng dam.

Tig-isang gate rin ang bukas sa Ambuklao at Binga dam na may opening na 0.5 metro.

Samantala, patuloy naman ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat dam na nadagdagan pa ng .75 meters sa magdamag.

Dahil dito, umakyat pa sa 195.80 meters ang water elevation ng Angat Dam na malayo layo na mula sa minimum operating level nitong 180 meters. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us