Kapitan ng tumaob na motorbanca sa Talim Island, Binangonan Rizal, nadiskubre na walang lisensya — MARINA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng Maritime Industry Authority (MARINA) na lumalabas sa isinagawa nilang imbestigasyon na walang lisensiya ang kapitan ng tumaob na bangka sa Binangonan, Rizal.

Ayon sa MARINA, nagkaroon sila ng pagpupulong sa mga representative mula sa Talim Island Passenger Motorboat and Patron Association kung saan dito nila nalaman sa record na walang balidong lisensya si Donald Anain na siyang boat captain ng Aya Express.

Bukod dito, pinag-usapan rin kung anong tulong ang maaaring ipaabot sa mga biktima.

Isa rin sa nireresolba ng MARINA at ng nabanggit na asosasyon ay ang insurance ng 27 nasawing pasahero.

Matatandaan na una nang nagpa-abot ng tulong ang Provincial Government of Rizal sa mga naulilang pamilya kung saan nagkasa rin sila ng sariling imbestigasyon.

Sinisiguro naman ng MARINA na tinututukan nila ang nangyaring insidente upang malaman ang mga pagkakamali ng Aya Express at mapanagot ito sa batas. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us