Inihain ni Malasakit at Bayanihan Party-list Representative Anthony Golez Jr. ang isang panukala para mabigyan ng special license plates ang mga electronic vehicle (EVs).
Sa ilalim ng kaniyang House Bill 8560, aatasan ang Land Transportation Office (LTO) na gumawa ng plaka na iba sa regular na plaka na ibinigay sa mga conventional na sasakyan.
Ngunit dapat muna itong makapasa sa pamantayan na itatakda ng LTO upang masiguro na sumusunod ito sa safety standards.
Sa paraang ito, umaasa ang mambabatas na mas dumami ang maenganyo na gumamit ng electronic vehicles.
Ang LTO na ang bahalang magdesisyon sa magiging kulay at disenyo ng plaka para sa EV.
Nakapaloob din sa panukala ang pagbibigay insentibo sa mga gumagamit ng electronic vehicle gaya ng pagbibigay ng priority lane, tax incentive, parking privilege, at environment recognition. | ulat ni Kathleen Jean Forbes