Dahil sa patuloy na sama ng panahon, hindi pa rin nakakauwi sa kani-kanilang mga tahanan ang ilang mga nagsilikas dahil sa Bagyong Egay.
Sa tala ng NDRRMC, aabot sa mahigit 13,000 na pamilya o katumbas ng mahigit 50,000 na indibidwal ang nanantili pa rin sa mahigit 700 evacuation centers sa Regions 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, 6, 10, 11, 12, BARMM, CAR at NCR.
Ayon pa sa ahensya, halos 40,000 na mga bahay ang bahagyang napinsala ng bagyo habang mahigit 1 000 naman ang lubusang nawasak.
Samantala, sinabi naman ng NDRRMC na nananatili sa 25 ang mga napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Egay.
Nananatili rin sa 52 ang napaulat na nasaktan at 13 na napaulat na nawawala. | ulat ni Leo Sarne