Mga opisyal ng NCMF na nagpabaya sa Hajj 2023, pinagbibitiw sa pwesto ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa isang privilege speech ay ipinanawagan ni Lanao del Sur 1st district Rep. Zia Alonto Adiong ang pagbibitiw ng mga opisyal ng National Commission on Muslim Filipinos matapos ang pahirap na sinapit ng mga Muslim Filipino na nakibahagi sa Hajj 2023.

Aniya, hindi biro ang naranasanag logistical at transportation delay ng mga Filipino Muslim na nakibahagi sa Hajj.

Kulang anila ang bus na ginamit sa paghahatid sa kanila mula accommodation patungo sa lugar ng pagdarasal.

Bukod pa ito sa siksikan at maliit na kwarto na ibinigay sa kanila bilang accommodation at ang kakulangan sa masustansyang pagkain.

Maliban dito, may mga pilgrims din aniya na nauna nang nanalo ng ‘all expense paid raffle’ ng NCMF para sa 2019 Hajj ngunit dahil sa pandemya ay ipinagpaliban.

Nangako umano ang NCMF na valid pa rin ang kanilang pagkapanalo at magagamit sa 2023 Hajj.

Siningil pa nga aniya ang mga ito ng P4,000 para sa bakuna, ngunit sa araw ng paglipad para sa Hajj ay natuklasang hindi pala prinoseso ang kanilang visa.

Ani Adiong, hindi naman sila humihingi ng special treatment ngunit pagtupad lamang sa mandato na nakaatang sa NCMF.

“While the Hajj itself is a sacred religious obligation, the shepherding of our Pilgrims towards it by NCMF is a state obligation. These Filipino Muslim Pilgrims, deserve the full extent of service and privileges granted to them by the law as is deserved by all Filipino Citizens. It is with this sad state of affairs that this representation ask for the immediate resignation of those who are accountable for the mishandling of the 2023 Hajj.” saad ni Adiong. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us