OPAPRU at NTF-ELCAC, nagpahayag ng suporta sa amnesty proclamation ng Pangulo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maituturing na “crown jewel” ng peace process ang “amnesty proclamation” ng Pangulo para sa mga kwalipikadong dating rebelde.

Ito ang inahayag ni Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. sa regular na press conference ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Tagged Reloaded sa Camp Aguinaldo ngayong umaga.

Ayon kay Galvez, dahil sa “amnesty proclamation” ay inaasahang mawawakasan na ang lahat ng gulo sa bansa bago matapos ang termino ng Pangulo.

Sa naturang press conference, sinabi naman ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. na dadaan sa masusing proseso ang amnesty proclamation para maplantsa lahat ng mga detalye.

Sinabi rin ni Torres na ang pahayag ng pagtalikod ng CPP-NPA sa alok na amnestiya ng Pangulo na inanunsyo ng kanilang “fictitious” na tagapagsalita na si Marco Valbuena, ay taliwas sa sentimyento ng karamihan sa mga miyembro ng kilusang komunista na umaasa sa pagkakataon na makapag-bagong buhay.

Kapwa sinabi ng dalawang opisyal na ang amnesty proclamation ay inaasahang magreresulta sa “mass surrender” ng mga dating rebelde. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us