Nakauwi na sa kanilang mga tahanan ang mga residente ng Brgy. Bigaan, Hinatuan, Surigao del Sur na napilitang magsilikas dahil sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at rebeldeng New People’s Army (NPA) sa nasabing barangay noong nakaraang linggo.
Bago pa man inihatid ang mga Internally Displaced Persons (IDPs) ay personal na bumisita sina Hinatuan Mayor Shem Garay, Tandag Bishop Raul Dael at ilang mga lokal na opisyal upang masigurong nasa maayos itong kalagayan. Una nang nagbigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Caraga field office ng mga hygiene at sleeping kits at food packs na babaunin ng mga IDPs pabalik sa kanilang lugar, maliban pa sa ginawang psychosocial services.
Dahil dito, pormal nang deactivated ang Emergency Operations Center (EOC) ng lokal na pamahalaan ng Hinatuan. | ulat ni Nerissa Espinosa | RP1 Tandag