Ilang European business groups sa bansa, nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa pagbabalik ng negosasyon para sa Free Trade Agreement sa pagitan ng Pilipinas at European Union

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng pagsuporta ang ilang European business chambers at business groups sa bansa sa muling pagbabalik ng Free Trade Agreement sa pagitan ng Pilipinas at European Union (EU), ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Binigyang diin ni DTI Secretary Alfredo Pascual ang kahalagahan ng Free Trade Agreement sa pagitan ng Pilipinas at European Union bilang plataporma ng economic engagement ng EU sa Indo-Pacific Region, kung saan maaaring maging strategic trade partner ang Pilipinas.

Pinuri rin ng kalihim ang pagsisikap ng public at private sector para sa muling pagbabalik ng negosasyon.

Binigyang diin rin nito na makakaliha ng milyon-milyong trabaho para sa mga Pilipino ang nasabing Free Trade Agreement.

Inatasan na ni Secretary Pascual ang lahat ng European business chambers na makipagtulungan sa gobyerno ng Pilipinas at paganahin ang pagtatatag ng mas matibay na partnership sa EU upang himukin ang economic growth at prosperity. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us