Inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Don Artes sa kaniyang Facebook page na pagmumultahin ang mga motorcycle riders na sisilong sa ilalim ng mga tulay, footbridges, at MRT stations kapag umuulan. Sa ilalim ng single ticketing system, P1,000 ang multa sa mga lalabag dito.
Nagsimula na ang naturang polisiya kahapon, August 1.
Aniya, ang pagsilong o pananatili sa gilid ng kalsada ay lubhang delikado at maaari pagmulan ng mga aksidente at pagbigat sa daloy ng trapiko.
Dagdag pa ni Artes, matagal nang umiiral ang batas laban sa obstruction kaya naman may kakayahan ang kanilang tanggapan na ipatupad ito ano mang oras.
Samantala, ang mga motorista na pansamantalang sisilong para magsuot ng pananggalang sa ulan ang tanging papayagan.| ulat ni Charmaine Cristobal