Ipinahayag ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na kontento rin ang Minority bloc sa pamumuno ni Senate President Juan Miguel Zubiri.
Gayunpaman, nilinaw ni Pimentel, na dahil desisyon ng mayorya ang senate presidency ay handa naman silang makipagtrabaho sa kung sino ang senate president.
Aniya, panunoorin lang nila ang magiging desisyon at mangyayari sa Majority bloc.
Bilang dati na ring naging senate president, nagbahagi rin si Pimentel ng karanasan sa paghawak ng pinakamataas na posisyon sa Senado…
Giniit ng minority leader, na wala talagang garantiya sa leadership at sa ating political system, ngayon ay dinadaan ito sa personal relationship at pagkakaroon ng parehong pananaw sa pamumuno.
Sinabi ng senador, na mahirap talagang i-satisfy ang nais ng lahat ng mga senador kaya naman kung may ibang senador na makakuha ng suporta ng 13 senador para maluklok bilang bagong senate president ay dapat lang itong tanggapin.
Ang payo ni Pimentel, huwag masyadong maging attached sa posisyon at maging handang ibigay ito sa sino mang magkakaroon ng sapat na numero. | ulat ni Nimfa Asuncion