Pagtatatag ng Department of Corrections, isinusulong ng party-list solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang panukalang batas ang nakatakdang ihain sa Kamara na layong magtatag ng isang Department of Corrections.

Ayon kay Bicol Saro party-list Rep. Raymund Yamsuan, panahon nang magkaroon ng isang hiwalay na departamento na siyang magpapatupad ng reporma sa lahat ng corrections, jail at probation management system ng bansa.

Sa paraang ito ay umaasa ang kinatawan na matutugunan ang matagal nang problema sa pagsisiksikan ng mga persons deprived of liberty, pang-aabuso at korapsyon sa mga kulungan.

Ang hakbang na ito ng kongresista ay kasunod ng isinagawang briefing ni Dr. Raymund Naraga, isang international criminology expert at dating detai­nee, sa House Committee on Justice.

Dito inilahad ni Naraga ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga PDL sa loob ng kulungan gaya na lamang ng mataas na congestion rate.

Batay sa datos ng Bureau of Corrections, ang NBP at iba pang penal facility na kanilang pinangangasiwaan ay mayroong 51,500 inmates, kahit pa 12, 250 lamang ang kapasidad ng mga ito o katumbas ng 321% na congestion rate. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us