AFP Chief, pinuri ang 7th ID bilang showcase ng Philippine Army

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Armed Forces Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang 7th Infantry “Kaugnay” Division bilang “showcase” ng Philippine Army.

Ang pahayag ay ginawa ng AFP Chief sa kanyang pagdalo bilang panauhing pandangal sa ika-35 anibersaryo ng 7ID sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija kahapon.

Ayon sa AFP Chief, ang Fort Magsaysay ay pinagdarausan ng halos lahat ng Joint Exercises ng Philippine Army sa mga kaalyadong pwersa, at ang kanilang magandang impresyon sa Pilipinas ay dahil sa nakikikita nila sa 7ID.

Kinilala din ni Gen. Brawner ang lahat ng accomplishment ng 7ID sa pamumuno ni MGen. Andrew Costello kabilang ang tagumpay sa kampanya kontra sa kilusang komunista sa kanilang nasasakupan.

Ipinagmalaki naman ni MGen. Costelo na puspusang isinusulong ng 7ID ang pagbabagong-direksyon ng kanilang operasyon mula sa internal security tungo sa external defense sa pamamagitan ng pagpapalakas ng interoperability ng kanilang reserve force sa mga regular na pwersa.

Bilang pagsuporta sa reserve force, namahagi naman ng mga kumpletong set ng uniporme si Gen. Brawner sa mga reservist ng 7ID. | ulat ni Leo Sarne

📷: 7ID

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us