Nasa 61,000 metrikong tonelada na solid waste ang nalilikha sa Pilipinas, kada araw.
Mula sa bilang na ito, 24 percent dito ay plastic waste.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Environment and Natural Resources Secretary Antonia Loyzaga, na nasa 160 million plastic sachet packets ang ginagamit ng mga Pilipino kada araw.
Kabilang na dito ang shopping bags at maninipis na film bags.
“Many of our plastic wastes can actually be transformed for economic value. Iyong economic value po calculated by the World Bank, about 79% of the value of these plastics is lost; they could be repurposed to the Philippine economy each year.” —Secretary Loyzaga
Ito aniya ang pinagsusumikapan ng gobyerno na ma-manage nang tama, i-reprocess, at i-repurpose, upang hindi mapunta sa mga karagatan ng bansa bagkus ay makatulong sa ekonomiya ng Pilipinas.
“And that value associated po with the 70% material value of the plastics can generate, by calculation of the World Bank, about US $790 to 890 million per year. In order for us to generate that economic value, we do need to make some changes in terms of the way we collect, recover and repurpose itong mga plastic wastes na ito.” —Secretary Loyzaga | ulat ni Racquel Bayan