DOTR, DA at DSHUD, ilan sa mga ahensya ng pamahalaan na may budget increase sa susunod na taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Halos dumoble na ang pondo ng Department of Transportation (DOTr) para sa susunod na taon.

Ito ay ayon mismo kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, kasabay ng pagsusumite ng 2024 National Expenditure program (NEP) sa Kamara.

Aniya, isa sa may pinakamataas na budget increase para sa susunod na taon ay ang DOTr.

Mula sa P106 billion ngayong 2023, umakyat ito sa P214.3 billion sa ilalim ng panukalang 2024 budget.

Tinukoy din ni Pangandaman na may 6% na pagtaas sa pondo ng Department of Agriculture (DA).

Sa ilalim ng kasalukuyang 2023 General Appropriations Act, mayroong P173.6 billion budget ang DA.

Itinaas naman aniya nila ito sa 2024 NEP sa P181.4 billion

Isa rin aniya sa mga ahensya na may budget increase ay ang Department of Social Housing and Urban Development (DHSUD).

Bunsod naman aniya ito ng paglalaan ng P9 billion na pondo para sa pagpapatupad ng Pambansang Pabahay Program ng pamahalaan.

“There has been a big increase under the DHSUD para po doon po sa programa nila na pabahay. We have 9 billion pesos in the national expenditure program.” sabi pa ng kalihim

Sa kabuuan, 9.5% na mas mataas ang panukalang 2024 budget kaysa sa kasalukuyang 2023 GAA. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us