P293-M halaga ng proyektong pang-imprastraktura at tourism sites sa La Union, sinira ng bagyong Egay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napinsala ang P293-Million na halaga ng mga proyekto sa imprastraktura at tourism sites sa lalawigan ng La Union dahil sa hagupit ng bagyong #EgayPH.

Batay sa pinakahuling report mula PDRRMO-La Union, pinakaapektado ang bayan ng Naguilian, La Union dahil sa pagkasira ng Balecbec Road na nagkakahalaga ng P200,000,000.00 maliban pa sa nasirang bahagi ng Bimmotobot Bridge na nagkakahalaga ng P1,500,000.00 at sa bahagi ng Suguidan Bridge.

Pangalawang nakapagtala ng labis na pinsala ang bayan ng Agoo, kung saan, nasira ang Agoo-Sto. Tomas Road na nagkakahalaga ng P16,000,000.00 habang nakapagtala din ng pinsala ang Agoo Eco-Park at Camp Wagi.

Pangatlong labis na naapektuhan ang bayan ng Rosario, kung saan, nasira ang Rosario-Tubao Road na nagkakahalaga ng P16,000,000.00

Pang-apat ang Aringay at Santo Tomas na kapwa nakapagtala ng pinsalang tig P8,000,000.00 dahil sa pagkasira ng Aringay-Tubao Road at Santo Tomas-Agoo-Tubao Road.

Nagpapatuloy pa ang assessment ng mga kinauukulan para sa pinal na report ukol sa pinsalang idinulot ng Bagyong Egay sa lalawigan ng La Union.| ulat ni Glenda B. Sarac| RP1 Agoo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us