Kapakanan ng healthcare workers, prayoridad sa 2024 National Budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na isusulong ng Marcos Administration ang kapakanan ng mga healthcare worker, bilang bahagi ng pagpapalakas ng kabuuang healthcare system ng Pilipinas.

Sa mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa proposed 2024 National Budget, nasa P20 billion ang ilalaang pondo para sa health emergency allowance at COVID-19 compensation package ng mga eligible healthcare at non-healthcare workers.

Bukod dito, maglalaan rin ng P18 billion para sa National Health Workforce Support System, upang mapalakas ang hanay ng healthcare workforce at ma-equip ang mga ito para sa deployment sa mga pinagkaliblib na lugar sa bansa.

Para naman mapababa ang banta ng panibagong health crisis, nasa P4.8 billion ang itatabi para sa mga programa at proyekto kaugnay sa Prevention and Control of Communicable Diseases.

P1.7 billion naman ang ilalaan para sa procurement ng medical supplies na kakailanganin para sa paggamot at pagkontrol sa non-infectious disease, tulad ng cancer at mental illness. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us