Reclamation project sa Manila Bay, ikinabahala ng US Embassy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nababahala ang Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas sa nagpapatuloy na reclamation project sa bahagi ng Manila Bay kung saan, kabilang dito ang likurang bahagi ng embahada.

Sa isang pahayag, sinabi ng US Embassy na nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa naturang usapin.

Partikular ding nagpahayag ng pagkabahala ang Amerika hinggil sa negatibong epekto ng proyekto sa kalikasan gayundin sa seguridad hindi lamang ng kanilang Embahada kungdi maging ng buong Maynila at karatig lugar nito.

Kasunod nito, sinabi rin ng US Embassy na nababahala rin sila sa papel ng China Communications Construction Company na nasa kanilang blacklist dahil sa pagtulong nito sa Chinese Military sa pagbuo ng mga artipisyal na isla sa West Philippine Sea (WPS).

Bukod dito, kabilang din ang pangalan ng naturang kumpaniya sa listahan ng World Bank at Asian Development Bank na may hindi magandang reputasyon sa larangan ng pagnenegosyo.| ulat ni Jaymark Dagala

RP1News

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us