Kahandaan ng mga pasilidad para sa mabilis na pamamahagi ng unclaimed license plates, sisiguraduhin ng LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Titiyakin ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II ang kahandaan ng mga pasilidad ng LTO sa distribusyon ng natitirang unclaimed license plates.

Pahayag ito ni Mendoza matapos magsagawa ng inspeksyon sa Cebu kung saan nasa 670,000 pang unclaimed license plates ang nananatili pa rin doon.

Nais ng LTO na magpatupad ng episyenteng systema para sa pamamahagi ng mga plaka.

Kung nakalatag aniya ng maayos ang sistema, mawawala na ang mga fixer na nagpoproseso ng mga plaka gayundin ng license cards.

Plano din ng LTO na makipag partner sa iba pang grupo at stakeholders para lang mapabilis ang release ng license plates sa mga may-ari nito.

Una nang sinabi ni Mendoza na target ng
LTO na tapusin ang pamamahagi ng unclaimed license plates sa Setyembre ngayong taon.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us