Sapat pa ang pondo ng gobyerno para sa disaster response and quick response fund.
Sa media briefing sa Kamara, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, may natitira pang P12 Billion na calamity fund.
Bagaman, umaasa ang kalihim na wala nang mapanganib na kalamidad na dadating sa bansa. Maaring magamit ang halaga sa iba’t ibang disaster relief operations hanggang sa pagtatapos ng 2023.
Base sa datos ng DBM, mula January hanggang July 31, 2023, ang calamity fund releases ay nagkakahalaga ng P8.4-B.
Habang ang QRF na siyang built-in budgetary allocation para sa pre-disaster o standby fund sa mga ahensya ng gobierno ay nasa P500 million pa.
Samantala, umakyat naman sa P31-Bllion ang budget para sa National Disaster Risk Reduction and Management fund para sa 2024 National Expenditure program.
Tumaas ito ng 10 Billion mula sa P20.5-Billion sa 2023 General Appropriations Act.| ulat ni Melany V. Reyes