2 LEDAC measures, agad naaprubahan sa Kamara 10 araw matapos ang SONA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawa agad sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) priority measures ng pamahalaan ang inaprubahan ng Kamara, 10 araw matapos magbalik sesyon at State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.

Una rito ang House Bill 8443 o panukala na magtatatag sa Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS).

Sa pamamagitan nito ay tutukuyin ang dami ng natural capital ng bansa at ang halaga nito sa ating ekonomiya.

Nakapaloob din sa panukala ang paglalatag ng sistema para sa pagsasagawa ng accounting ng natural capital ng bansa na gagamiting gabay sa pagpaplano ng mga programa at babalangkasing polisiya.

Pasado na rin ang House Bill 8456 o Philippine Downstream Natural Gas Industry Development Act.

Sa ilalim nito isusulong ang paggamit ng natural gas bilang kapalit ng coal sa paggawa ng kuryente.

Sa kasalukuyan, 65% ng kuryenteng kailangan ng bansa ay nalilikha gamit ang coal.

Itatayo ang Philippine Downstream Natural Gas Industry (PDNGI) para sa mas malawakang paggamit ng mas ligtas at malinis na natural gas.

Ang panukala ay naglalatag din ng mga polisiya upang mapalitan ng natural gas ang fossil fuel na ginagamit ng mga kasalukuyang planta. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us