Patong-patong na kaso ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tatlong kataong umano’y nasa likod ng malawakang illegal recruitment sa isang kolehiyo sa Camarines Sur.
Kabilang sa sinampahan ng Syndicated/Large Scale Illegal Recruitment at Estafa sina Carmelo Carcido, Demittri Carcido at Marchan Villar.
Ayon sa NBI, nag-ugat ang kaso sa inilapit na report ng Overseas Criminal Investigation, Regional Security Office ng United States Embassy (OCI, RSO-US Embassy) kaugnay ng hinihinalang Illegal Recruitment activities sa Brentwood College of Asia (Brentwood) na matatagpuan sa Naga City, Camarines Sur.
Sa imbestigasyon ng NBI, pinalalabas umano ng Brentwood na may kakayahan itong magpadala ng mga tao sa U.S. para sa employment, internship, at student exchange program via Tourist Visa.
Isa sa mga biktimang lumantad sa NBI ang nagbayad ng hanggang ₱181,980 sa Brentwood para sa processing fee, visa fee,at plane ticket sa U.S. ngunit nakwestyon sa Immigration paglapag sa Estado Unidos at nai-deport. | ulat ni Merry Ann Bastasa