Nagpatupad ang Department of Trade and Industry (DTI) ng price freeze sa mga pangunahing bilihin at serbisyo sa ilang bahagi ng Central Luzon na sinalanta ng nagdaang bagyong Egay.
Sinabi ng DTI na ang price freeze ay tatagal ng 60 araw sa mga sumusunod na lugar:
- Pampanga
- Bulacan
- Bataan
- Zaragoza, Nueva Ecija,
- Camiling, Tarlac
- Paniqui, Tarlac
Isinailalim na sa State of Calamity ang nasabing mga lugar kasunod ng pananalasa ng bagyong Egay at southwest monsoon o habagat.
Samantala, hinikayat ng DTI ang publiko na iulat ang mga lumabag sa price freeze sa 1-DTI (1-384) o [email protected]. | ulat ni AJ Ignacio