Nagtapos nitong Huwebes ang may 870 Murid o mga mag-aaral sa 14 na Madrasa o Islamic School sa ginanap na kauna-unahang Commencement Exercises sa Municipal Covered Court sa Poblacion, barangay Lahing-Lahing sa bayan ng Omar, Sulu.
Kinabibilangan ang 14 na Islamic school ng Madrasa Ajibon, Huwit-Huwit, Sucuban, Pahallawan Asula, Niangkaan, Bulaghaw, Tanduh Panuan, Tanduh Gusoh, Kan Awah, Kantimbung, Bait-Bait, Salam, Bitinan at Al-hidayah.
Dinaluhan ito nina Mayor Abdulbaki Ajibon ng bayan ng Omar, sa pangunguna ni Sheik Abdurahman Alhari mula sa religious sector, Deputy Mufti ng Sulu at maraming iba pa.
Ipinahayag ni Mayor Ajibon sa kaniyang mensahe na bahagi ito ng kaniyang adhikain upang mapaigting at mapalaganap ang kaalaman ng kabataan hinggil sa relihiyong Islam na mahalaga sa paghubog ng kanilang pagkatao.
Naniniwala si Ajibon na bilang mga mabubuting mamamayan na may paniniwala at takot sa Diyos ay mapagtatagumpayan nila ang anumang hamon na maaaring kaharapin sa hinaharap. | ulat ni Fatma Jinno | RP1 Jolo