Kinilala ng Metrobank Foundation ang 10 empleyado ng pamahalaan dahil sa katangi-tangi nilang serbisyo sa bansa.
Ang mga empleyado na pinarangalan ay nagmula sa sektor ng edukasyon, military at police service kung saan tumanggap ang mga ito ng plaque at isang milyong piso.
Kabilang sa mga binigyan ng pagkilala ay sina:
1. Rex Sario, Master Teacher at Teacher In Charge ng Balogo Elementary School sa Pangantucan, Bukidnon
2. June Elias Patalinghog, Doktor in Education at Master Teacher II ng Catalunan Grande Elementary School sa Davao City
3. Edgar Durana, I Master in Education, Master Teacher I at Special Education Coordinator ng Don Jose Ynares Memorial National High School sa Binangonan Rizal
4. Jovelyn Delos, Doctor in Philosophy at kasalukuyang Associate Professor ng Northern Bukidnon State College sa Manolo Fortich, Bukidnon
5. Staff Sergeant Danilo Banquiao ng Philippine Army 103rf Brigade 1st Infantry Division na nakatalaga sa Marawi City
6. Lt. Col. Joseph Bitancur, Assistant Commandant ng Basic Military School, Air Education, Training and Doctrine ng Philippine Air Force sa Lipa City Batangas
7. Col. Joseph Jeremias Cirilo Dator, Assistant Chief of Staff for Operations ng Presidential Security Group
8. Police Chief Master Sergeant Dennis Bendo, Section Team Leader ng District Mobile Force Batallion sa Manila Police District
9. Police Major Mae Ann Cunanan, Chief, Police Community Relations ng CIDG sa Camp Crame
10. Police Col. Rebell Sabaldica, Chief, Morale and Welfare Division ng Directorate for Personnel and Records Management sa Camp Crame.
Ang paggawad sa mga nabanggit na Most Outstanding Filipinos ay kasabay ng selebrasyon ng anibersaryo ng Metrobank Foundation.
Ang Metrobank Foundation ay naitayo noong January 8, 1979 ni Dr. George S. K. Ty, 16 na taon matapos maitatag ang Metropolitan Bank and Trust Company o Metrobank.
Ang pagkilala sa mga natatangi na kawani ng gobyerno ay paraan ng Metrobank Foundation para bigyan ng pagkakataon ang mga ito na ipakita sa buong bansa ang kanilang sakripisyo sa paglilingkod. | ulat ni Michael Rogas