Pagkakapasa sa resolusyong kumikilala sa mahalagang papel ng Permanent Court of Arbitration, ikinalugod ng DFA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ng Department of Foreign Affairs ang pagkakapasa ng resolusyon na inihain ng Pilipinas na kumikilala sa mahalagang papel ng Permanent Court of Arbitration sa pagresolba ng mga dispute sa mapayapang paraan.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, maituturing na isang mahalagang ambag ng Pilipinas ang resolusyon sa pagpapatupad ng rule of law at pagpapanatili ng international order na sumasalamin sa commitment nito sa mapayapang pag-aayos ng mga dispute.

Nagpapasalamat ang Pilipinas sa 122 na mga bansa na co-sponsor ng nasabing resolusyon, lalo na ang mga bansang Australia, Egypt, Guatemala, Hungary, at Thailand na miyembro ng core group sa pagsuporta at pagtiyak na maipapasa ang nasabing resolusyon.

Ang nasabing UNGA resolution ay naghihikayat sa member states na kunin ang serbisyo ng PCA na tumutugon sa misyon ng United Nations na itaguyod ang international peace at ang paghubog sa international law. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us